Thursday, May 23, 2013

11-Day Countdown

Sa totoo, dapat gagawa ako ng med survival guide for 1st yr kaso wala, ang hassle pala e. I mean every tips and mga dapat gawin dapat sabihin sa post na un. And wala ako ngayon sa tamang attention span, para isulat lahat ng thoughts ko at lalong lalo na hindi naman ako sobrang bum para gawin un. Itanong niyo nalang sa akin personally, kung gusto niyo ng tips. Lahat ng mga maling ginawa at mga dapat gawin.

11-day countdown. Mga nalalabing araw ng aking pangalawa sa huling bakasyon. Parang nung medtech lang ako, wala nang 3rd year summer kasi start na ng duties iyon. Sounds fun. Huhuhu. Dapat ko naman talaga sulitin ang mga natitirang araw e. Basta may magawa lang.


Tapos dapat magpopost din pala ako about sa mga notes na binebenta nun kaso tinamad ulit ako at nawala na lahat ng aking mga naisip tungkol dun. Nung 1st yr kami, may sumikat na transcribed notes, SuperSubsec ang tawag. Maraming nagsasabi, sobrang nakatulong daw sa mga exams pero ewan, medyo bano talaga ako mag-aral minsan e. Ang mahalaga ay ang end result, ang PUMASA! So ngayon, dahil kumita ang supersubsec, pagkakakitaan naman nila ang mga estudyante. SMART notes naman ngayon. Compiled notes sila. Not sure kung, may ginawa din ba sila dun tapos nilagay dun. Nagets mo ba?
 
I have nothing against sa mga notes na ganito kasi alam ko namang gusto lang nila tumulong sa mga kapwa med students e. Pero ang nakakalungkot, parang medyo overprice. Parang binebenta nila ang mga compiled notes na kung saan iyong most of the individual notes ay libre naman talaga. Hindi pinapabayaran nung gumawa pero sila ibebenta lang ng ganun. Or most probably, ibenta ng medyo mas mura? Sa groups namin, siguro almost 100+ na ang umorder. 1700 x 100 = 170000 pesos. Hindi ba?! Pang tuition na yan ng isang semester. Tapos may isa naman, ibebenta niya lahat ng 2nd year samplex for 500 pesos. Ulul ka ba?! Eh kami nga makakakuha niyan ng libre e, well syempre babayaran mo photox pero 500?! Magbenta naman kayo or magdagdag man kayo ng tubo, wag naman iyong garapalan. Naman! Negosyante? Kailangan ng pera? Iyong mga bebentahan niyo rin naman kailangan ng pera. Hahaha. Medyo nagiging emotional ako rito. Pero dahil contradicting ako, kapag kailangan na at hindi sapat ang mga makukuha kong notes at samplex, bibili ako ng SMART notes. Nagtitiwala naman ako sa kredibilidad nito pero hindi ko lang kasi kayang dagdagan pa ang gastos ko. Sabi nga ni ate nung tinanong ko siya about dito, 'Hindi mo naman kailangan niyan. Nakasurvive naman kami ng walang ganyan dati.' Totoo.

SKET DANCE

Iyan ang anime na pinagkakaabalahan ko sa mga natitirang episodes. Episode 75 na iyong huling tingin ko at nasa episode 27 na ako ngayon. Kahapon lang ako nagsimula. Bum mode. Siguro iisipin ng ibang tao na ang lame ng story. Medyo naman pero masaya manuod e. Ang Sket Dance ay isang club/org, na ang aim ay tumulong sa kahit anong bagay or aspeto. And. ayun lang, ayoko masyado magsasalita kasi hindi ko talaga maexplain. Nuod nalang kayo. :)


No comments:

Post a Comment