Saturday, May 25, 2013

ACTS Review Center

Picture from ACTS Review Center FB Website.
Break time. Mga bakanteng upuan ay kung hindi nasa labas at nakapila para bumili ng pagkain ay nasa CR. Mga nakaupo ay kumakain o kaya naman ay nakikipagkwentuhan o kaya ay nagpapakasipag at kinakabahan sa darating na board exams, nag-aaral.

Namiss ko na 'tong room na to. Isang taon na ang lumipas nung huli akong napunta rito. Umagang pumasok para makahanap ng magandang upuan para sa sarili at mga kasama ko. Syempre sa laki ng room at sobrang daming tao, agawan kayo sa oxygen. Kaya ang best na upuan dyan ay iyong sa katabi nung aircon na nasa kaliwa (hindi lang kita sa picture). Well actually, for maximum efficiency of learning, sa unahan kayo para 100% attention span mo. Hinding hindi ka pwede makatulog kapag nasa harap ka. Si Ma'am Leah, tutulugan mo?! Iyan ang best medtech reviewer sa mundo! Not exaggerating! Alam niyan kahit ang maliit na tuldok sa libro.

Namiss ko nang magreview. Dati, dedicated ako magreview kasi ayoko naman sayangin iyong mahal na pinambayad ng aking ina. Syempre masaya rin matuto ng medtech related things kasi Dugong MedTech yata to! Pasok sa review class, uwi sa bahay, konting pahinga then basahin ulit iyong nadiscuss for the day. Hindi naman mahirap gawin iyon e at dapat gawin iyon, kaya nga pumasok ka e.

Para sa mga nagrereview ngayon na magmemed. Tinuan niyo na review niyo ngayon at sinisigurado kong wala na kayong oras sa pasukan. Based from experience yan. Syempre, tingin niyo ba na magiging dedicated kayong magreview during weekends ng pasukan? HINDI. 'Matagal pa naman ang boards e.', marahil ay yan ang sinasabi niyo. Pero mabilis lang ang oras at araw sa medschool. Marerealize mo nalang na 2 weeks nalang boards na. Magccram ka na. Pero sa totoo lang, marami pang holidays sa August kaya may time pa para magcram review. At huwag kayong mag-alala kasi may mga kakilala akong nagreview lang one week before boards. As in, nun palang sila nagrereview at pumasa naman sila. Syempre proud ako sa kanila, mga kaibigan ko e. Pero ito lang masasabi ko, aanhin mo ang isang lisensyang hindi mo naman gagamitin talaga. Ang mahalaga eh, iyong natutunan mo sa review na hindi mo natutunan nung nag-aaral ka nung medtech. Nung pinaghirapan mong isang taon ng paghihirap para lang masuot ang uniform at black nameplate para sa intership. Nung nailagay ka sa isang private hospital na hindi mo alam kung bakit ka nalagay kasi malayo ka dun at petiks na ospital at hindi natuto. Ito iyong mga panahong, nagkagap sa loob mo. Ito iyong gap na pinupuno ng review na ginagawa mo. Ito iyong gap kung saan mas magiging magaling ka na medtech o doctor. Ito ka.

At para sa mga magboboards, GOODLUCK SA INYO! GO USTE![syempre bias]

No comments:

Post a Comment