Friday, May 21, 2010

coke zero

nagbrunch ako kani-kanina lang. ang paborito kong ulam na lechon manok + isang mas kaunting wataw ng kanin + ang peyborit combination na sawsawan [toyo at ketchup] + sangkatutak ng tubig. pag ganyan ang pagkain ko araw-araw sa palagay ko ay isang magiging baboy na ako. ang sarap kasi at hindi ko alam kung bakit hindi ako nagsasawa sa pagkain. kahit isang linggo mo pakain sa akin ang isang putahe ay hindi ako magsasawa unless napakasarap ng pagkakagawa mo[sarcastic]. hehe.

okay. bangag ako ngayon. sabog. puyat. hindi ko naman talaga sinasadyang maging insomniac ata ako. hirap na hirap talaga ako matulog tuwing gabi. bangag ulit ako kasi pinipilit kong matulog pero hindi talaga ako makatulog. mga 1:30am na ata ako nakatulog kahit na 11:30pm pa lang ay nakahiga na ako. nagising naman ako ng mga 7:30am. kumusta naman? bakasyon ngayon at ganito ang pagtulog-pagising na buhay ko.

naisip ko kagabi ang coke zero. bakit nga ba ginawa pa ang coke zero, eh andyan naman ang coke? dahil ba gusto nilang utoin ang tao na walang sugar ang coke zero? na hindi tataas ang blood sugar nila kapag ininom nila 'to? softdrink yan men! kahit anong gawin mo softdrink is a softdrink. kahit tawagin pa yang light/normal/zero sugar. softdrink pa rin yan. tataas pa ang risks mong magka-diabetes nian, lalo na kung ang mami at dadi mo ay may diabetes din. wala kang ligtas.

pero ang naisip ko talaga kagabi ay ang comparison ng coke zero at ang pag-ibig. ang cheesy! yan ang bangag na utak. ang coke ay isang pag-ibig. matamis. masarap. masakit sa lalamunan kapag diniretsong inom at minsan may sakit sa puso, iyong tipong may heart attack ka. oa na pero may pagkatotoo yan. iyong word na zero naman ay para sa mga taong loveless o iyong mga ngsb/nbsb katulad ko. ang bitter kainis. so masasabi natin na ang coke zero ay para sa mga taong zero ang lovelife. hindi man lang lumabas sa mundo at maglumandi. pero katulad nga ng sinabi ko ang coke zero may sugar pa rin yan o tamis.

kaya ang coke zero ay para sa mga taong walang love life, nuknukan ng bitter[unless super satisfied kang mamuhay ng matandang binata/dalaga or magmapapari or magmamadre ka] at umaasang makita ang natatanging tao para sa kanya.

ay at speaking of that. naalala ko iyong sinabi ni sir aguila sa lit class namin. ang mga babae na naniniwala sa kanilang mga magulang na may man-in-shining-armors para sa kanila ay partially hindi totoo. swertihan yan. out of ten man ang chances ay 2 ang panget, 6 ang gwapo at sa 6 na yan ay 2 ang bading, 2 ang magpapari, isang hindi sumagi sa isip ang mag-asawa at isang normal. at 2 ang panget ang mga ugali. ang effort palang gawin nito. in short, hindi proportional ang bilang ng mga babae sa mga lalaki. okay ang useless ng mga pinagsasasabi ko. bangag eh. sabaw ang utak.

at kagabi pala nanuod ako ng pbb teen clash edition 2010. okay call me jologs, baduy or watsoever. pero ang ganda niya. ang sarap panuorin kung paano mangbitch ang mga pinoy housemates kay tricia. nakakaawa siya. hahaha. hindi naman ako fan ng kahit sino sa kanila pero ang nakakatuwa lang talagang panuorin ang mga kabataan ngayon. lalo na at ilalantad ang mga ginagawa 24 hours a day sa tv.

No comments:

Post a Comment