Tuesday, May 11, 2010

may 8 - may 10

nahahati sa tatlong parte ang post na ito. mga nangyari sa akin at aking mga ginawa ng mga nakalipas na araw.

hito's birthday treat


nagising ako ng mga bago mag-4 ng umaga, hindi dahil excited ako kundi dahil sobrang init. iyong tipong hindi ka na makahinga kasi ba naman may power shortage. number na iyong electric fan ang takbo niya -3. kumusta naman 'di ba? natulog ulit ako at tiniis na lang ang init, nagising ako ulit ng mga 9am. may kuryente na, wala naman tubig. edi kailangan kong sumakay sa bus para lumuwas at maligo. nang makaligo na ako sa caloocan ay sumakay ako ng buus papuntang trinoma. doon ay bumili ako ng fruitas, naghintay ng mga kasama, bumili ng regalo, kumain at pumunta ng eastwood. mautak si christian kasi sa pila ng mga taxi ay nauuna ang bulok na taxi kaya naghintay kami ng unang sasakay upang makasakay kami sa susunod na taxi na matino. nung pagkasakay namin, sinabihan kami ni manong driver na hinintay talaga namin siya sa pila. totoo naman kasi sino ba naman ang gustong sumakay sa mainit na taxi. mabait si manong, makulit at pro-noynoy.

edi byahe dito byahe dyan nakarating na kami ng eastwood. madali lang hanapin ang condo ni hito kasi kauna-unahan siya sa pagpasok sa eastwood. nagregister kami sa may reception area at sumakay ng elevator paakyat ng 34th floor. maganda iyong room nung ate ni hito, japanese style. nagswimming kami, hindi ko alam na partially hydrophobic ulit ako. bumalik sa condo unit, naligo, kumain, nanuod ng boring na movie, naglaro ng killer-killer na kapag natalo ay iinom, nag-open forum, at natulog. sa umaga ay pinakain ulit kami tapos gumayak na kami pauwi. ang saya.

happy mother's day

binati ko si mami ng 12:XX am. nagreply siya ng bandang umaga para sa aming magkakapatid. parang hindi naman mother's day nung umuwi kami eh. normal day na hindi kasi nga mother's day. haha.

mahal na mahal ko si mami kaso ang problema ay parang through my actions, mukhang hindi. hindi ko alam kung bakit ganoon ako makitungo sa kanya paminsan-minsan. hindi naman kasi ako iyong masipag na taong gustong maging malinis ang lugar, at maayos ang mga gamit. pero kahit ganoon at nagkakagalit kami minsan, nagkakabati naman kami ng mga ilang araw after nun. mabait siya, maarugain[sino bang hindi?!], masipag, at masipag mag-utos. siya ang nagtaguyod, nagpatapos sa aking dalawang kapatid[kuya at diko] at nagpapaaral ngayon sa amin ng aking ate. tiyaga niya no? siya ang lahat sa amin. hehe. happy mother's day mami!

eleksyon 2010

first time voter sa first time automated election. sa hapon pa kami bumoto para konti lang ang tao at konti lang talaga kasi mga 20 minutes lang kami bumoto[si mami, si diko, si ate at ako]. madali lang naman eh. at medyo napadali nito ang eleksyon kahit na maraming mga pcos machine ang nagka-aberya, nasolusyonan naman iyong iba. tingin ko, mas magaling talaga sa balitaan ang gma 7. sila ang mas may concern, at mas updated. ang abs-cbn naman kasi nagpalabas pa ng ilang daily shows nila sa araw ng eleksyon. pwede naman nilang isuspend muna at ifocus nila ang kanilang atensyon sa nagaganap na eleksyon.

nang nilabas na ang mga results. president: 1st si noynoy[given, makamasa talaga siya], 2nd erap[wtf?! hindi pa nadala ang mga pinoy], 3rd villar, 4th si gibo, 5th si villanueva at pang-6th lang si gordon[naunahan pa siya ni villanueva, ano na nangyayari sa pilipinas]. iyong mga natitira, wala na akong pakielam. vp naman: una si binay pero binato ko sa mar na pumapanagalawa. kahit sino naman manalo sa dalawa, ayos lang eh. hehe. bahala na ang Diyos sa mga magiging resulta.

*tumataba na ako. wala pa kaming schedule. at vampire diaries. :)

No comments:

Post a Comment