meteor shower. hindi pa ako nakakikita pero ito ay isang nakabibighaning phenomenon, hindi ba? hindi siguro natin alam kung kailan ang eksaktong taon, buwan, araw, oras, minuto o segundo kung kailan ito nangyari. pero ang masasabi ko lang nangyari ito nung mga unang panahon ng pagkabubuo ng mundo. pagkakaroon ng unang buhay sa mundo. unang maykroorganismo. nagkaroon ng meteor shower, galing sa kalawakan, nahulog sa langit at tumama ang mga ito sa mundo [lupa o dagat man]. may ibang obvious kapag nakita, iyong iba hindi naman makita.
tayo ang meteors na nahulog mula sa langit. hindi natin alam kung kailan tayo makikita o mahahanap. pero habang tayo ay naghihintay, dun natin napapagtanto kung sino nga ba tayo, kung paano gumagalaw ang mundo, kung paano tayo nabubuhay sa araw-araw at nag-iisip kung paano nga ba tayo mamatay.
okay medyo senseless iyong post. pero mukhang inspired ata ako ng kung ano man. kung ano na lang talaga pumapasok sa utak kong ito. salamat pala sa mp3 ko, nabuhay ako ng 5 oras nang walang ginagawa. walang hawak na keyboard o mouse. hindi nakatitig sa monitor. nakahiga. nakatunganga. naghihintay sa kawalan. nagmumuni-muni. nakikinig sa mga kanta. kumakanta.
:). can't stand it. yeah.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment