Thursday, October 28, 2010

flowing with milk and honey

nagerupt na ang bukol sa tenga ko. it's like a land flowing with milk and honey. but not! hahaha. hindi iyan ang lumalabas. nagsilabasan na lahat ng nana, ng fluid, ng tissue juices, at ng dugo. hindi pala lahat kasi may bukol pa rin e. i don't have the skills naman and the right to extract all of them. masakit iyon. naalala ko tuloy nung highschool ako, nung una akong nagkaroon nito, nung inextract lahat ng laman nito kala doc isagani.

nung time na inoperahan ako, minor lang. hinarap ako sa salamin habang hawak-hawak ko ang stainless container kung saan tumutulo lahat ng laman ng aking bukol. aba biruin mo, nakikita ko na tumutulo iyong dugo ko. hahaha. ang ganda lang tignan. nakakayanan kong tignan ang sarili kong ganun. tingin ko rin mataas ang pain tolerance ko, kaya kong tiisin iyong sakit, iyong pressure na ginagawa ni doc para lang mawala lahat. hayyyy. grabe.

just so you know, dahil lumalaki iyong bukol ko bumababa ang confidence level ko. iyong ayoko na lumabas at magpakita sa mundo dahil dito. wahhh! kaya ko naman lumabas eh pero i know, people are disgusted to me. kahit nga ako nandidiri eh. dahil din dito, i won't attend to any events my classmates are planning. i know what they will say. parang yes paki nila kung meron akong ganito. they're my friends syempre. pero ako kasi iyong naiinis dahil dito. ako. alam mo iyon ako! okay redundant na.

sana hindi nangyayari sa akin ito. sobrang hirap talaga sa pakiramdam. hindi ka makakilos ng maayos. kahit nga sa pagtulog mo apektado rin eh. you can't sleep on the side kung nasaan iyong bukol. aw. ang hirap nun, especially for me na super likot matulog.

No comments:

Post a Comment