Wednesday, October 27, 2010

i wanna join fairy tail

boredom kills me. gusto kong mag-aral pero parang naiisip ko, ang nerd ko naman. hahaha. ito sana magkatotoo pero gusto ko sanang maging isa sa mga PINAKAcompetitive sa batch. iyong tipong magugulat lahat kapag mataas makukuha ko. nangarap talaga ako. moving on. natapos ko na ang fairy tail manga noong isang araw. actually, hindi pa tapos pero naabutan ko na ang latest update. hello, kumusta na naman ang buhay bum ko. lalong lumala.

kapagod maglinis ng bahay, terrace to be more specific. ayun nagkkwentuhan na naman kami ni mami. talagang sinasabihan niya akong mag-audiology after grad. mukhang sasaya naman ako dun eh. sure ako. and if sakaling yumaman ako sa abroad, babalik ako dito para makatulong lalo sa pamilya. magtatayo ng laboratoryo para naman magamit ko ang skills ng pagiging propesyonal. iyon ata ang pinakafulfilling na feeling sa mundo. nagagamit mo ang iyong kaalaman upang makatulong sa kapwa, and syempre hindi mawawala ang kumita ng malaki, hindi ba? [maingay ngayon dito, may nakikipag-usap kay mami.]

nakita ko sa FB may lugar pa lang great blue hole of belize. hell yeah! i love blue. gusto ko makapunta dun. wahhh! tapos tipong kapag tumingin ka siguro ng malapitan, matatakot ka in a way kasi alam mo iyon parang the deep dark blue would suck you into it. hahaha. kahit nga tumingin ka lang sa isang napakablue na dagat, matatakot ka na e. pero still, i love blue!

kay hiro mashima, thank you for making and doing beautiful manga. i love fairy tail. perhaps, it is my most favorite anime for now. hahaha. :D

may classmate ako nagcomment sa status niya. sabi niya advanced happy birthday sa akin. aw. malapit na nga pala ang birthday ko pero para sa akin it would be just a day that would make me a year older. nothing special.

No comments:

Post a Comment