sinabi ko pa naman sa sarili ko na magiging competitive ako sa school. pero ano nangyari kanina? bumagsak. lumagapak. palpak ang scores ko sa quizzes. may partly katangahan, partly mahirap, at partly nakakamental block.
nag-lab kami kanina sa microbio, ang bilis magsalita ni ma'am. pramis. parang kami nakatulala na lang at kumokopya. walang naiintindihan. basta sobrang bilis. sana magkamanual man lang kami para alam na namin ang procedures. :)
para lang masabi ko. memorize ko na ang mga scientific names and common names ng 40 bacteria. yes. nakaya ko. sana bukas masagot ko ng tama ang mga tanong. mawawala lahat ng paghihirap ko kapag bumagsak man ako dito. :|
i think i might read blink's blog again. i just need to. goodnight everyone! 9am class tomorrow.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment