Thursday, June 24, 2010

yesterday, i'm the luckiest person

in clinical chemistry lecture. ay este, pinakamalas pala. kasi simula na ng lecture, edi may recitation. ang mechanics ay may isang pouch na ang laman ay pangalan ng mga estudyante ng 3d-mt. swerte mo kung natawag ka at tama ka kasi may +2 points ka. malas mo kapag natawag ka at mali ka kasi -1 ka. at PINAKAMALAS ka kung natawag ka ulit at mali ulit sagot mo kasi -1 ka ulit, kaya -2 ka na.

yes, ako ang pinakamalas sa amin nung araw na iyon.

hindi pa nagtatapos dyan ang kamalasan ko nung time na iyon. nasa dulo ako kasi 'U' at wala akong katabi sa kanan ko kung hindi isang space at isang upuan. inilapit ko iyong upuan, ang tanga nahulog sa sahig iyong upuan na iyon habang nagdidiscuss si ma'am. yes papansin. ayun sinabi lang apelyido ko.

may isa pa, during discussions ay pwede kang magtaas ng kamay kapag may itinatanong si ma'am. kapag tama ka +2 ulit at kung mali ka +1 for the effort. every item na nagpapasagot si ma'am nagpaparinig siya sa mga maymalalaking utang like me. although nakasagot naman ako sa last item kaya neutral ulit ang score ko, hindi na negative.

at ang last, may utang daw kaming dance number kasi nakalimutan namin ang reg forms namin nung clin chem lab. hindi pa rin nakakalimutan ni ma'am iyon.

'di ba ang swerte ko? kaya ngayon, kilalang kilala na ako ni ma'am. good side naman ata iyon. pero i'll study hard na. like today para naman makasagot ako kung matawag man ako. at sinabi ko sa sarili ko na magiging competitive kuno 'di ba ako? anyway, wala kaming pasok ngayon kasi MANILA DAY!

No comments:

Post a Comment