Monday, June 14, 2010

this marks the end and the beginning

nagpa-inject kami ng flu vaccine kahapon. mas maganda na nga at ginawa namin iyon para sa amin, lalo na sa akin na sobrang hina ng immunity sa sakit. last year lang i had AH1N1-like symptoms pero buti na lang at normal flu lang. iyon ang kauna-unahan kong pagkakaabsent sa college life ko. mahirap magkasakit, kahit anong sakit, kasi aabsent ka para hindi ka makahawa sa mga inosente mong mga kaklase at syempre mahirap humabol sa mga namissed mo.

marahil ay ngayon na nagtatapos ang summer ko although wala pa naman talaga kami pasok bukas pero kasi sasamahan ko ulit si mami magpacheck-up so parang hindi na rin bakasyon. mamimiss ko ang bum life ko. mamimiss ko ang last na pinakamahabang at pinakawalang kwentang summer ko. parang walang nangyari naman kasi sa akin ngayon eh. wala man lang akong matinong nagawa, o kung meron man ito ay hindi masyado mapapansin o non-existent.

at dahil tapos na ang summer ko, simula na ng pasukan. hindi ko alam kung mabuting bagay nga ba na ang 1st day naming mga tomasino ay para sa mass lang at 2nd day ay ang simula ng regular classes pero mas maganda na nga rin iyon. simula na ang sinasabi ng mga higher years na pinakamahirap na taon. dito raw namin mararanasan ang mga matitindi at mga bigating professors, ang unlimited quiz, practicals at tests, at panget na sched[meron na kami nun eh]. sa totoo lang medyo may pagka-excited na ako kasi kukuhanin na namin ang mga subjects na mismong para sa medtech lang. subjects na interesting kasi magcuculture kayo ng bacteria, magkuhanan ng dugo, mag-analyze ng mga body fluids para malaman kung abnormality na nagaganap sa katawan mo. dito rin namin malalaman ang katatagan ng aming mga loob para harapin ang 3rd year at dito rin matetest kung sino ang mga tunay na kaibigan o hindi kasi dapat kami magtulong-tulungan upang hindi kami bumagsak at para hindi kami madelay.

goodluck to us at syempre sa mga kapwa kong uwian pa rin. may mga kaibigan ako na umuuwi pa ng rizal, antipolo o saan mang lupalop na lugar. mahirap ang mag-uwian kasi kinakain nito ang oras mo na dapat ay namamahinga ka na o kaya ay nag-aaral [kung nerd ka]. pero ang mag-uwian ay ang magiging daan kung mag-aaral ka ng mabuti o mapabayaan ang pag-aaral. ikaw syempre ang mamimili niyan at syempre dapat mong isipin na pinagpapaaral ka ng magulang mo sa isang magandang institusyon na may magandang kurso. marahil ay mag-LRT na ako parati pauwi kasi may ginagawang daan sa may blumentritt na nagdudulot lalo ng traffic. kasabay ko naman ang aking LRT mates na nakatira sa monumento at sa sangandaan. marahil ay makakapagbond muli ako sa kanila.

para sa sarili ko. dahil nga inspired ako sa mga blog posts ni blink, susubukan ko kung kaya kong maging competitive sa klase. ilelevel-up ang pagiging nerd plus having more fun and gala kasi ang pagbagsak ay hindi isang option. sabi nga rin ni mama jeno, lahat ng mga estudyante kayang makakuha ng mataas na grades. hindi isang factor ang mga professors o kaya naman ang mag-uwian o ang hirap ng subjects. sa huli, nasa sa iyo yan kung mag-aaral ka ba lalo ng mabuti dahil mababa magbigay o boring ang professor mo, o mag-aral in advance dahil mahirap ang mag-uwian, o ang pag-intindi sa mga lessons sa bawat subjects mo at kung sakali na may hindi ka maintindihan, andyan ang mga kaibigan mo o kaya ang mga professors mo para tulungan ka ,hindi ba?

okay this is so haba post na. goodluck to jabviccck sa pag-aaral. sa raphael. sa lahat ng mga estudyanteng nabigyan ng oportunidad na makapag-aral. at lalo na sa 3D-MT, wooohooo! 3rd year na tayo ang dapat i-aim natin sa susunod ay internship! happy day everyone!

No comments:

Post a Comment