medyo excited ata akong ikwento ang first day ng pagiging 3rd year ko. wala naman naging problema sa buong araw except lang na walang prof na dumating sa scl. na-meet namin ang mga professors namin sa hema, pd, at micro lab. for hema and micro lab, medyo strict na ang mga prof namin. dapat daw namin malaman ang self-discipline, matuto sa sarili at maging mature. hindi na ito katulad ng dati kung saan isusubo lahat sa'yo para matuto o kaya naman ay pumasa ka. masasabi kong mahirap pero kailangan, para sa amin ang mga ito.may parte kami upang mapangalagaan ang mga buhay ng tao. hawak namin ang buhay ng tao. maaaring makapatay kami dahil sa kapabayaan o kaya naman ay malaman ang iba sa tao para mapabuti ang kanilang kalagayan. medyo nakatatakot pero tingin ko naman masaya ang aming haharapin sa buhay.
at ipost ko ulit ang revised schedule ng 3d-mt para sa 3rd year 1st semester. mas lumuwang. :)
kanina ko lang din nalaman na ang sidewalk ng lacson gate ay inilipat sa kabilang side kung saan mas mainit na dahil walang cover. :)
No comments:
Post a Comment