habang bumibili ako ng 1.5kg ng longganisang bawang, may dumating na sasakyan na ang laman ay tatlong baboy. binukas iyong pintuan at hinulog sila. natakot ako kasi baka lumapit sa akin. hahaha. pero ayun ginabay naman nung may-ari sa likod na bahay. naisip ko lang,
"Alam kaya ng mga baboy na ito na sila ay kakatayin na?"
"Alam kaya nilang iyon ang kanilang mga nalalabing oras sa mundo?"
maaaring sagot ay oo o kaya naman ay hindi. hindi natin alam. pero sigurado akong, bukas malalaman na nilang sila'y mamatay. papatayin. kakatayin. chachapchapin. hihiwain. gigilingin.
marahil ang kanilang buhay ay isang pagsasakripisyo sapagkat ang kanilang buhay ay ikabubuhay nung mangangatay at buhay na rin natin dahil tayo ang kakain. hmmmm. paano kaya kung tao naman ang maging baboy?
ang tatlong baboy. *bow*
uh-oh. stop. stop. umaandar na ulit ang pagkamasokista kong utak. mala-saw ang dating. i like those movies. hahaha.
*kumain kami ng dalawang beses sa dalawang magkaibang handaan. woah! paano na ang tiyan ko. hahaha. delayed din ang pag-inom ko ng gamot, kakainom ko lang sa kanya ngayon. ang ganda nung bahay ng pinsan ko sa camella homes. maganda ngunit maliit. bulilit. bulilit. sanay sa masikip. kung kumilos-kumilos ang liit-liit. bulilit. bulilit. ang liit-liit. okay effort nito. hahaha.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
sarap ng longganisang bawang. panalo
ReplyDeleteoo nga eh. sarap ng longganisang bawang. hahaha.
ReplyDelete