Thursday, December 22, 2011

Get A Life

Inis na inis na ako sa computer na ito. Ang computer na sira ang MS Word at hindi makapanuod ng anime. Rinding rindi na ako sa paulit-ulit mong notices kapag inuulit kong pindutin ang program. Ayoko na! Kung kailan balak ko nang gumawa ng thesis. Kung kailan wala na akong magawa kasi sawa na ako manuod ng T.V. Tsaka ka masisira. Isusuggest ko talaga kay kuya na ireformat ka na ngayong Pasko. Kailangan kita kahit na iniwan mo ako.

Hindi ko na alam ang maaaring gawin dito. Dahil una, sawa na ako sa mga bagay na normally ko ginagawa. Dahil pangalawa, wala akong alam na pwede pang gawin. Dahil pangatlo, loser lang talaga ako. 

*May tumawag ngayon-ngayon lang. Bihira lang kasi mag-ring ang phone namin sa bahay. At parating sumasagi sa isipan ko na sumagot na, "World Citi Laboratory. Goodmorning/Goodafternoon/Goodevening." Buhay intern nga naman. Gusto na kita matapos. Namiss ko na ata mag-aral. Namamatay na ang mga brain cells sa utak ko pero tinatamad ako mag-aral. Ironic. Masaya naman talaga ang buhay intern. Biruin mo sa isang linggo, gagawin mo lang ay pumasok sa duty, matulog, gumising, magcomputer, manuod ng tv, kumain, uminom, tumae, umihi, gumawa ng lab works, maging lab slave at utusan at sa isang linggong iyon ay isang araw sa 1st sem at dalawang araw sa 2nd sem ka lang papasok sa school. HINDI BA SOBRANG SAYA NUN?! 

Sawa na ako sa mga paulit-ulit na gawain. Hindi ko pa kasi nakikita ang silbi ko sa buhay. Hindi pa ako naniningningan ng liwanag na ang tawag ay Purpose. Wala pa ni isang sinag ang dumadampi sa aking kayumangging-naninilaw na balat. Wala pa. 

Sa kadahilanang iyan ipapakita ko ang dalawa sa mga grad pic photos ko. Hintayin ko nalang iyong edited para naman maikumpara ko ang 4th yr hayskul pic ko sa 4th yr college pic. Ang pangit ko lang kasi talaga ngayon. Hindi sa pagiging vain pero nafefeel kong pumapanget na ako. Hahahah. 



Sila lang pinost ko dito kasi sila lang ang matino na makikita mo sa CD na binili ko ng 300 pesos. Yes magastos pero wtf naman kasi parang no choice ka na kung hindi bumili para makuha mo iyong pics mo. At matagal pa ata makukuha iyong hard copy so kailan ka pa makakauso sa FB friends mo na ang posts ay mga grad pics nila. *Hindi ko muna ilalagay iyong nakatoga ako sa FB kasi thesis nga namin hindi pa tapos paano ako magkakaroon ng assurance na ggraduate na ako, hindi ba?

2 months internship na lang!

No comments:

Post a Comment