Sunday, December 25, 2011

The Spirit Of Christmas

Christmas is a season of sharing and loving. Gasgas na yan. Parang wala na ngang spirit ang Christmas e. Hindi sa pagiging kontrabida pero parang every year, mas nagiging boring magcelebrate ng okasyon. Walang ginagawa, walang lakad. Epal kasi mga nangyari dito sa bahay e. Panira ka ng buhay namin. Okay. Okay. Stop na ang pagiging walang hiya. Hahaha.

Kahapon, nagpunta kami ni Ate sa GH para bumili ng itouch and in the end, nauwi kami kung ano bibilin, itouch o galaxy s. Pero most likely itouch na lang ako, ang nais ko lang naman ay ang mga laro. Apple can give me that pleasure. Hohoho. Napansin ko lang pala na wala akong wishlist ngayong Pasko. Nakakatamad na rin kasi e at wala akong time. Nag24 hours kasi kami nung 23 kaya hindi ako nakapagblog.

Kami kasi unang grupo na sumabak sa 24 hours at kami na siguro ang pinakamaswerte. Biruin mo 3 tao per posts kami - kaming 24 hours, isang day duty from UST at from World. Ang saya hindi ba? Wala pang gawa iyong histopath kaya nanuod na lang kami ng Insidious. Woah! Hindi naman pala siya super scary eh. Nakakagulat lang pero wtf naiisip ko pa rin mga nangyayari. Hahahha. Ganoon ako manuod ng horror movies. Gustong-gustong manuod kahit natatakot. Nagpapakatapang kahit hindi naman. Napansin ko sa grupo namin kung sino pa iyong mga nakaposts sa toxic, sila pa natutulog. Amp naman eh. Hahahahaha. Ang effort kasi matulog dun e. Basta wala ako pwesto. I will soon find one. Hihihihi.

Pasko ngayon at ang best regalo para sa akin ay SAKIT! Ang tagal-tagal ko nang hindi nagkakasakit e. Panira naman o. Ubo. Sipon. Sore throat. Pagkain. Pasko. Siguro yan iyong series of idea na makakakumpleto ng okasyong ito. Okay na siguro iyong ubo e, pero wtf ang sore throat. Ang hirap kumain. KUMAIN, I TELL YOU! Hahahaha. Mahirap kasi lumunok. Iculture ko kaya ito? hihihihi. Nah, masaya un. Sayang sa agar.

All I want for Christmas is you. :) Hope everything works well. Hahahaha.

*Wala man lang flow ang aking ideas. 

No comments:

Post a Comment