Wednesday, December 21, 2011

World Citi Christmas Party

is just awesome especially when your group is on Night Duty and it is one of the most toxic day ever. Lahat talaga ng section toxic kung toxic. Kasi kakalipat lang namin sa new section namin, ayun so nangangapa kami at wtf, lahat na ng dumating dumating. Nagsimula na ang Xmas party ng World at kami ay kawawa. Alam mo iyong feeling ng loser habang sila nagpapakasaya kami ayun nagpapakapagod. Tapos iniwan kaming 6 na interns sa lab. kami lang. Ay nung una 5 lang kami so ang hirap talaga. One less intern makes everything so hard.

Tapos mga 8/9 pm ata un umakyat kami ni Leo para kumuha ng pagkain. Nung una nahihiya kami pumasok kasi imagine mo naman na kami nakascrubs suit tapos lahat ng tao, nakadamit ng maayos. Parang dress to impress. Kumusta naman, hindi ba? Ayun parang kahit na kakilala mo mga tao dun, parang alien ka sa kanila. Yuck losers. Hahaha. Tapos pumila kami sa kainan at kumuha ng food. Grabe lang talaga. Pumunta ako kay Shannang, masasabi nating isa siya sa bestfriends ko? Hahaha. or kaclose. Tapos sinabi ko naiinis ako kasi ang toxic. Basta super inis ko talaga kahpon na ayaw ko na magperform or pumunta at magpakaloner na lang kami sa lab. Tapos dahil dun kinausap naman ako ni crush. *SAYALANG*

Dumating din kasi sa lab iyong mga 1st batch at may friend si crush dun. Sabi ba naman sa akin, Basil ang sipag mo naman. Ayaw ni *crush* ng ganyan. Gusto niya fun people. Pabiro naman iyong tono so parang niloloko lang ako. Natawa lang ako kasi okay talagang sinabi pa niya sa akin un. At nung paalis na sila, sabi sa akin you have strict competition. Kung may gusto ka, gawin mo na. Hahaha. Hindi ba supportive? Eh kaibigan niya rin ata iyong kakompetensya ko e. Hahaha

Pinaakyat kami ni Sexy sa taas para sa Exchange giving. Ayun si p1 pala iyong nabunot ko. WTF! Hahaha. Nakakabaliw lang. Buti talaga pinaakyat kami at napanuod ko performance nila crush. Hahaha. benta. Tapos umakyat na rin Group 5 at nagperform kami. NAGKALAT LANG KAMI. As in kalat. Hindi nga kami sabay-sabay parati e and I did something crazy. Kainis. So in my mind sabi ko hindi na kami mananalo and guess what, 3rd place kami. 2 days off plus 1k petot. Sabi nga namin naawa lang sa amin mga judge e. Kumusta naman kasi or maybe hindi lang namin nakita performance ng ibang group? Hahaha

After the party, may gala sila sa Tomas. Sobrang ingay ng lab kagabi! Ang daming tao eh. At ayun, kami na lang natira at nagpakatoxic. Pero kahit na ganun, masaya naman. May pizza na binigay si Ma'am Shinni at ito may The Bar + Coke pa. Hello to us. At dun na natapos lahat.

One thing I learned, parang mas kaya ko magextract kapag mag-isa lang ako. Parang I have to force myself to do better kasi deds me kapag hindi.

No comments:

Post a Comment