Monday, December 12, 2011

Miyu Irino

Nakalimutan ko na ang mga nararamdaman ko kanina kaya ito ako ngayon, nangangapa kung ano ang isusulat. Ayoko na kasi magdrama pa tungkol sa NMAT. Ay mali, gusto ko ngunit tinatamad. Same rants. Same shits. Nakakasuka na, hindi ba?

Ang nakuha kong grade sa NMAT ngayon ay mas mataas kaysa sa dati. Maganda pero hindi pa rin pasado sa UST quota. Aminado naman talaga akong bobo ako sa mga ganitong exams e. Wala na akong magagawa pa. Sabihan mo akong bobo, go lang. Wala akong pake kasi tanggap ko na. Acceptance is the key to be not bitter or be overwhelmed with frustrations.

May parte sa akin na natuwa ako kasi ganun score ko kasi mas maliit ang tsansa kong makapasok sa Medisina. Na kapag ganun ang nangyari, magbboards ako ng Medtech at magttrabaho at kikita at pagkatapos ng isang taon ay mag-aaral ng Audio. Oo, ito ang back-up plan ko kapag hindi ako nag-MED. Magpayaman. Ito naman talaga tanging goal ko sa buhay e, magpayaman at tumulong. Tsaka para sa akin kasi mas fulfilling na magpaaral ka sa sarili mo tapos dahil hindi ka masyadong toxic sa pag-aaral, mas makakagawa ka ng maraming bagay sa buhay. Ang downfall nga lang, mga kaibigan mo nagmemed, ikaw hindi. In the end, frustrations yan hanggang sa pagtanda pero katulad ng sinabi ko ACCEPTANCE IS THE KEY. Mahirap nga lang gawin. hehehe.

At dahil dyan, makikinig ulit ako ng mga kanta ni Miyu Irino. Siya pala ang Seiyuu ni Syaoran. Wow, hindi ba? Tapos ang awesome pa kapag kumanta. Oh well. ALL HAIL ANIME SONGS! At manunuod na muna ako ng The Book of Bantorra instead na nag-aaral. Hihihi. Galing ko lang.

No comments:

Post a Comment