Saturday, September 25, 2010

fridhemaday

okay parang ang pagsasabi nung title is fried hema day. grabe parang naluto ang kakayanan ko bilang maging isang medtech sa mga pinagawa kanina. marami kaming gagawin, marami kaming time, pero kahit ganun pa man ay kailangan mo ng talento, skill, lakas ng loob at tiwala sa sarili upang makagawa ka ng mga peripheral blood smear, dilution ng rbcs at wbcs o kung ano pa mang related sa dugo yan. alam kong mali ginawa ko kanina, nabuhay ako sa hingi. mga extrang slides na may smear. isa sa PBS at retics ct. epal kasi ng wbc diff count e, ang hirap talaga magstain. masayang makakita ng mga cells pero kahit na. gagawin ko ang aking makakaya para matapos ang rbc ct., wbc ct., at retics ct. next week para naman gumaan ang load ko sa buhay.

hatinggabi na at gising pa ako kasi kinareer ko ang paghanap ng sagot para sa aming unknown sa bacte lab. masaya siya. katuyot nga lang ng utak.

No comments:

Post a Comment