tinatanong ko 'to sa sarili ko lately. i mean, masipag naman ako eh hindi lang sobrang sipag. kung tamad ako, hindi na ako nag-aaral and i just want to pass and not get high grades. mahirap kalabanin ang antok kapag nag-aaral. para kasing andame ng gagawin, alam mong marami gagawin yet hindi ka pa rin nagsimula. papetiks petiks ka sa simula and in the end, crammer ka. ayoko kasi magcram eh, ayoko ng nahihirapan ng sobra, mas gugustuhin ko ng maghirap ng konti kahit araw-araw and kapag day before the quiz, petiks na lang. pero ang masakit ay kung mas mataas pa sa'yo mga kaklase mong nag-aral before the quiz. aw.
speaking of antok, kaya ko kayang hindi matulog ng normal sleeping hours sa susunod na 3 linggo. last 3 weeks na lang at hindi pa kami tapos sa biostat. fcuk! kailangan matapos kami ngayong week na magdata collection at magtally. para medyo chillax na kahit papaano. sabi ng prof namin sa hema, dito daw namin mararanasan ang weeks na puro exam lang talaga. dito ko na nafefeel kung gaano katoxic ang medtech. woohoo!
God, please help me to stay awake later kahit hanggang 12am lang masaya na ako. tapos sana tulungan mo rin ako makapag-aral sa monday night para sa para pracs, at quiz at bacte lec quiz. after nun, medyo steady na ang week. sana talaga magmamass ako ngayong 5:30 kaso since inapura ko ang biostat survey, wala na, ayokong late sa mass eh. kaya 7pm mass ako pupunta tapos bibili ng kitkat at coke. please lang utak stay awake, wag ka matutulog. cge basa na ng favorite subject.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment