Thursday, December 2, 2010

how i hate frustrations

umuwi ako sa baliuag ngayon. grabe ang hirap ng upo ko kanina pero ang sarap ng tulog ko. amp. ngayon nangstalk na naman ako ng mga crs students. alam mo naman na iyong paulit-ulit kong kwento eh. ang ust crs ot ang pinakaunang course na tumanggap sa akin nung 4th year high school ako. nung may feeling akong ang bobo ko. iyong super down ako. siya lang nagpasaya sa akin nung mga panahong natanggap ako sa ust crs ot bilang isang academic placement applicant. alam mo iyong pagod na nangyari sa amin ni ate at ni mami. pumunta sa uste upang pumili ng mga course na pwede pa sa score na abot ko. pumunta sa ust upang makita kung kailan ang interview. pumunta sa ust upang magpainterview, tinanong ako ng interviewee na 'do you cheat?' siguro kaya nila tinanong yan kasi mataas grades ko nung high school yet hindi ako tanggap sa ibang school. saklap no? pumunta sa ust kung saan nakita ko na pasado ako sa interview, UMALI, JOHN. aw. i remember nung time na un na paano kung hindi ako yan. pumunta sa ust upang magconfirm na. complete na iyong requirements at mga dapat gawin pero kinabukasan ko nalaman na tanggap ako sa medtech bilang isang reconsideration applicant. *hindi ko na kwento iyong sa medtech interview ko. parang halos magkasabay lang e.* at kinabukasan pumunta kami ng ust upang magconfirm sa medtech, pinull-out lahat ng credentials ko sa crs. masakit iyon kung ako nasa lagay ng mga official sa crs dean's office nun. i know may sama sila ng loob pero ako'y isang maliit lamang na parte na hindi malaking kawalan. at ngayon ay 2.5 years na akong nagiging frustrated sa UST BS OT. :|

masaya ako sa medtech. sigurado ako dun. kumusta naman kasi ang kasiyahan na ginagawa namin. pero tingin ko kasi mas makakakita ako ng mga super tunay na kaibigan sa crs. iyong tipong matatawag kong bestfriends kasi dun konti lang kayo pero magiging close at bonded kayo. i don't know dahil hindi naman ako andun pero i know na ganun sila. tapos nung time na hs grad ako, mas matimbang medtech eh. nalagay na kasi sa isip kong UST MEDTECH is the best premed course and it is one of the most fun course one could ever take. it's true! pero kasi mahirap maging masaya kung may frustrations ka. ano kaya ang aking magiging next frustration? being a doctor when i'm already an audiologist and earning lots of dollars? being an audiologist when i'm already studying med? sa medtech, depende kasi yan next year kung ano magiging experience ko sa internship. dito ko malalaman kung magtutuloy ba ako sa aking medtech bilang isang propesyon. babasahin muli kita kapag graduate na ako sa BSMT or BSCLS. :D sige kita kits sa 2012. hahaha. babalikan kita pramis.

No comments:

Post a Comment