maraming salamat paulo at rj! pramis pinasaya niyo ako sa pagtulong niyo. si paulo kasi nagbigay sa akin ng chrono cross file para makapaglaro sa pc. amp! natuwa ako ng sobra. sobrang tagal ko na kasing minimithi na laruin muli ito kahit na siguro ay mga 10x ko na siyang natatapos. si rj naman ang nagbigay sa akin ng site para malaro ko iyong file. ayun. fun fun! naglaro nga ako kanina kaso sabi ko maya na lang ulit baka hindi na ako makapag-aral sa dalawang quiz ko ngayon. yes may quiz ako at hindi pa rin ako masyadong nag-aaral. sobrang tamad ko na.
kahapon nagstarbucks kami. ang bait nila kasi binigay nila stickers nila sa akin. so may isa nang andun tapos kahapon nadagdagan ng apat. so lima na sila in total. kaya ko tong mapuno before xmas break. wish me luck. and wish me luck more for my quizzes later. i hoped that my hair would grow more to look gwapo in my new id picture. please. please.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment