Sunday, December 26, 2010

malamig na pasko

considering na super lamig tuwing umaga. can you feel it?

hindi naman yan dahil ako'y single pa rin. sa totoo ay masaya ang pasko ko. marami akong mga bagay na napag-isip-isip ko. signs of maturity, i guess. mga bagay na gusto kong iayos ko sa buhay. sa pamilya, sa kaibigan, sa pag-aaral, sa pamumuhay, at sa mga pananaw sa buhay. nmat failure is an eye-opener indeed. pero tingin ko naman kasi kahit hindi ako bumagsak darating pa rin sa point ko na maiisip ko rin ang mga bagay na ito. kung pumasa at mataas sana ang aking nmat ay super saya ko na ngayong pasko pero hindi e.

ang aking pasko ay isang normal na araw at nalaman ko rin na anti-social nga talaga ako sa aking mga kamag-anak. swear. natulog ako buong pasko dahil andito sila. wow. and naiinis kasi ako sa kanila kasi sila rin iyong mga hindi namamansin. fine! tandaan niyo ang mga araw na yan. tatandaan yan ng aking pagiging scorpio. nagkaroon ako ng isang 100 peso-bill. yes may aguinaldo. puro materyal na bagay kasi mga natanggap ko. syempre ang una ang blue shirt, pabango, body spray, tshirtsss, pants, at shoes. wahhh! thank you sa inyo pero thank you talaga kay kuya. grabe ang dami na niyang binibigay sa akin isama mo pa na tumutulong siyang magpaaral sa akin. naisip ko lang na iyong tuition niya nung college, pinakamurang tuition ko na ngayong college ako. hayyy. parang mas masarap talagang mag-aral nung mga unang panahon. okay lumayo ako sa topic. lagi naman eh. pero sa totoo lang mas masaya sana ang pasko ko kung mataas ako sa nmat. :| pero okay na iyon bawi na lang sa april. lesson learned!

btw, nung mga nakalipas na araw ay nagddrawing ako. wala lang parang inspired ako na gumuhit ng mga sceneries sa london. iyong mala-shelock holmes. yes ang ganda talaga. iyong mga tower. tapos nagssearch ako sa net ng tips. nakapagdrawing ako ng trees. hahaha. hindi kasi iyong mga normal trees na ginagawa natin. iyong may shading. tone[kung tawagin nila]. chos. hahah. pero really, i'm having fun. mag-iipon ako for a sketch pad!

tsaka na ako gagawa ng list of my new year resolutions due to my maturity phase and soul-searching.

No comments:

Post a Comment