naka-isang taon na pala ulit ako. hehe. tinignan ko iyong new year post ko last year and i set 10 new year's resolutions [haha] hindi lahat ay nagawa ko. tsk. conclusion: i'm unproductive in 2010. hindi na ako natuto. pero kahit matuto lang akong makipagsocialize sa tao, masaya na ako. okay sige. sige. sulat ko na mga bagay na dapat ko na naman ayusin sa buhay ko. mga bagay na makakapagpasaya sa akin.
- may potential love life pala ulit ako. :) sana everything would turn out well. sabi ng friend ko MU raw kami. so ganun pala ang MU. haha. now i know. may isang friend ulit ako na nagsabi na dapat daw iexpress ko iyong mga thoughts and feelings ko. ayun those are one of my problems. hindi talaga ako open sa ibang tao that much. okay. okay. one word would describe me. torpe.
- syempre sana maging maayos ang kalagayan ng bawat isa sa pamilya. makamit ang mga goals na sinet para sa mga sarili.
- time for friends! i couldn't ask for more. hindi naman kasi ako ganung kabusy sa buhay-eskwela pero hindi ko talaga alam kung bakit wala akong time para makapunta sa kanila. kaya sana magkaroon na ng maraming time.
- hindi ko na prioritize iyong study. haha. pero sana ibigay ko na talaga lahat sa nahuhuling tatlong buwan. kagabi-kanina kasi naghhighlight ako ng mga books. i stayed up late para dun. iniisip ko kasi na malapit na pasukan. mahihirapan lang ako kung hindi man lang ako maghighlight ng mga lessons. nakakainis kasi bakit ang highlighting pa ang napuntang study habit ko e. hahaha.
- i want to get rich! haha. pero parang hindi talaga sa akin nakalaan iyon eh. nung christmas party nung dmt, hindi ko lang alam kung sa daan o sa christmas party mismo nawala, nawala iyong wallet ko. 3rd time na 'to! grabe. haha. ang careless ko kasi e. tapos everytime na mawawala wallet ko, may lamang pera, may lamang mahalaga, at mga bagay na may sentimental value. amp! pero i'll try my best to save money this year.
- have opportunities for me to learn new things. kahit swimming lang. please. :) haha. 19 years na akong nabubuhay pero hindi pa rin ako marunong. so in a ship na papalubog na at wala nang salbabida, i'm gonna die. and drawing. natuwa ako magdrawing. pramis.
- maging physically fit lang. hahaha. hindi naman iyong tipong mga maskuladong itsura. ayoko nun. normal lang. kaso hindi man lang ako nag-ggym. so imposible right? haha.
----end----
*welcome back ian sa wordpress.
*i love blue. hahaha. random thoughts na naman.
*windows 7 na ang computer namin sa caloocan. and it proves na gaya-gaya ang windows sa mac. hindi naman ako against pero masasabi talagang ginaya e. haha. okay lang yun para raw magamit ng mga window-users.
*complete kaming family this meganoche. that's cool. hahaha.
*hindi pa nag-uupdate ng blog si blink. :|
*sana makapagpahaircut na ako. syempre same look. hindi ko kasi alam kung paano mag-iba ng look na bagay sa akin. kahapon sabi ni ma'am H, wala raw nagbago sa akin. true. true. kung ano itsura ko nung highschool, ganun pa rin ako ngayon.
*SANA pumasa man lang ako ng nmat. please. i'm thinking of going to med na. :)
*pinakaimportante sa lahat. MASUSUOT KO NA ANG BLUE SHIRT! haha. funfun.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Yesss naman, may special mention pa ako. Hahaha! Thanks! Di pa ako makapagpost. Di ko pa naiiba theme ko eh. :))
ReplyDeletehahaha. syempre naman. marami pa naman time para maayos iyong theme mo. :)
ReplyDelete