Last night duty ko kagabi sa Hema at masasabi kong toxic ako ng konti dahil puro ER. Straight na puro ER un. ER makes our lives fun, isn't it? NOT! Tapos dahil naging benign na ang requests for CBC, ayun inantok ako. Sobrang antok, natulog ako dun sa isang computer chair sa Hema section. Kilala na ata ako sa lab bilang isang intern na mahilig sa aircon. Tipong lahat na ng staff pinapapatay, pinapahinaan, pinapataas iyong aircon, ako okay lang. Eh since staffs sila, no choice but to follow. Parang nagkakasakit nga sila eh. Tsk! Masaya ako dahil hindi ko na mararanasan ang AM duty dito. AM duty kasi pinakaayokong duty sa Hema kasi bongga iyong 2 staffs e. Kapag nagtag-team talaga iyon umiyak ka na kasi nantotoxic sila e. Tapos umaattitude pa iyong isang staff, umaalis tapos iipunin iyong gawa. Nyay! Pinakaayoko sa lahat iyon. Bye Hema dahil sa'yo marunong na ako magsmear ng maayos. Ay mali-mali, smear na matino iyong makaka-8 to 10 na sa practicals ni Ma'am Ruby. Dahil sa'yo twice na akong nasabihan na wow ganda ng stain mo parang iyong nakikita sa libro. Aw! Ang saya nun sa pakiramdam. Naflatter ako dahil ang ganda ko raw magstain. hahaha. Paulit-ulit? Basta masaya sa hema kahit papaano. Tapos kaninang morning pick-up ayun marami nga sila pero hindi ko nafeel ang katoxican. Pramis! Ang aga nga namin natapos e. Ang daming oras na libre kanina at dahil dun niyaya ako ni Shanna na mag-canteen at napagastos ako ng 23 pesos para sa hotdog at kanin for breakfast. Bumalik kami at nakasalubong namin si Ma'am Tina at sinabing pumasok kayo nagagalit si Ma'am Euge niyo dahil walang intern. HA?! WTF! Bakit hindi mo hanapin intern mo? Eh kami nga nagpaalam sa mga staffs namin e. Hindi ka namin staff, okay? Huwag kang umattitude. Anyway. Hindi ako galit, inis lang. Wala ngang gawa e tapos dapat andun kami? At tapos na trabaho namin, kung may gawa ka patulong ka sa intern mo. PFT!
Ayun nakita ko na rin pala ang 2 pasyente na suki sa Dengue Express. Gumaling na kayo please. :)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment