Kung pusa ka, pwedeng bang maging daga para habulin mo ako? Sudden thought lang ngayon. Inlabmuch. :| Hay. Ngayon ko na lang ulit siya nakachat. Hehehe. Sorry na. Habulin ng habulin hanggang may mataya. Maghabulan hanggang mapagod. Sana ganun nga e kaso sadyang hindi ginawang ganun ang sitwasyon. Ang nangyayari eh naglalaro lamang mag-isa ng habulan. Walang kalaro. Mag-isa. Syet emoshit! Tapos nung nagpagupit ako, tumugtog ang Leslie ng Rocksteddy. Medyo sapul e! Natuto na ako. Bawal ng magsabi ng mga nararamdaman. Tapos nung nanunuod ako ng t.v. sa Myx, pinalabas ang Wala Na Tayo acoustic version, alam kong wala naman talaga pero wala lang. Parang kapag in love ka ata lahat ng love songs, lahat ng hearbreaker songs nakakarelate ka e. MAKAKARELATE ka. Ganun naman talaga ang kalikasan ng mga tao e.
I'm so tired! I want to sleep na kaso hindi pa ako naliligo. Ayoko talaga ng AM duty. Parang lahat ng kamalasan ko iniipon sa araw na iyon. Maaga naman ako nagising kaso late pumasok dahil hinintay ko maluto iyong food. Tipid e.Tapos ang fun part buti pala tumakbo ako pagkababa ko ng jeep sa may SJ kung hindi saktong 8:00 AM ako darating. Amp! Late pala ako ng 1 minute. Wah! 7:59 kasi ako narating. Ito pa, ako lang ang Hema intern hanggang 3pm kasi wala sa group 4. Walang kaendorsement. Ang toxic lalo kasi hindi sila nagrerecord sa mga nakalipas na araw at hindi tama ang filing ng results. WTF! Ako gumawa lahat nun. LAHAT! E syempre may iba ka pang dapat gawin kasi uutusan ka pa. Ayun tapos grabe kanina, first time kong kabahan dahil nagalit talaga iyong staff sa akin. Haha. Wag ka lang mamersonal ma'am masaya na ako. Nagkawalaan kasi ng specimen eh pero nung hinanap ko, kita ko naman kagad sa Hema at CC. Kumusta naman iyon. Nagpapakatoxic kasi iyong recept intern namin e. Feeling toxic, eh wala nga siyang ginagawa. Dadamay kita! Tandaan mo yan. Laglagan? Sige lang. Tapos after pa ng 3pm ako nakapagfile kasi you know toxic me. Only intern lang kasi.
Kumain kami ni Ten sa Cello's. Yum! Heaven ang donuts pero no more for me. Feeling ko nga gusto ko na silang isuka kanina. Hahaha. Pero food trip around La Salle na kami after next week. Sobrang sobrang daming lakad at gala next week. Woohoo!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment