Monday, August 1, 2011

Happy new month!

Sorry wala na ako maisip na title. Okay, August 1 na ngayon at medyo naging productive naman ata buhay ko ngayong araw. Sayang kasi hindi ko mababasa iyong Lamplighter ngayon kasi mas mahalaga ang Lab Management plus Hepatitis Profile. Yes studious, kailangan e. At dahil Agusto na ngayon ay 1 month na lang internship namin sa SJ. Nakakalungkot. Sa totoo nga ay nagpplano na sila ng mga gala. Inom. Inom. Inom. Karaoke. Inom. Inom. EK[sana matuloy, syet saya nito!] Yes sisirain namin ang aming mga atay at ang aming mga bulsa kasi it's inom month. Hindi, basta siguro simula last month makakatatlo na kaming inom. Saya no? At talking about inom, 4th na pala sa ngayong buwan.

*Kwento ko na pala iyong magandang experience namin nung night duty. Clin. Chem pa kasi ako nun. Syempre duty. Eh iyong PM staffs namin, as in powerhouse at jampak! Sila iyong mga cool staffs, mga manginginom at tipong hahayaan kang gumawa ng mga gawain sa section mo. Basta hindi sila iyong mga head na masusungit. Gets? So ayun, iyong isang staff nag-aya sa lahat so ito naman kami pumain. 2 each. Eh sobrang dami namin nun kasi PM shift pa lang nila. Tapos wala pa kaming mga bote na pdeng lipatan ng Tanduay Ice. So lumabas kami tapos bumili sa Mini Stop. Syet patay ako kapag may nakakita sa blog ko. Kaya sa makakabasa, wag ibulgar. Please? ;] Tapos ni-ref namin at ininom. Itong ibang kaintern ko kasi hindi kagag uminom. Ako kasi inubos ko na kasi ayoko mahuli so after ko mainom iyong 2. Nagtrabaho na ako. Habang ginagawa ko iyong electrolytes aba, paglingon ko papasok sa Staff Lounge iyong O-I-C sa night duty namin. Hahahaha. Kaboom mga kasama ko. Pero ang bait ni ma'am kasi No DM for us! Kaso BAWAL MATULOG, MATULOG DM! BAWAL MAGKAMALI, MAGKAMALI DM! Fair enough. Eh ako pa naman iyong dapat magtino dun kasi ako iyong intern ni OIC. Akala nga ata ni ma'am hindi ako nainom 'cause I act perfectly normal. Best actor ata to. HA?! Pero sa totoo lang I'm trying to walk straight. Hindi naman ako tipsy, or lasing. Nakakahyper pa nga iyong T.I. e. Pramis, sarap sa feeling. Hahaha. So that ends my story for that night duty.

Ay malapit na pala akong matapos sa practicals ko sa Hema! 4 na Hct na lang. 3 WBC Diff Count. 2 Plt count. Woah! 2 night duties pa lang iyon ah. Tapos Hct kasi mga paisa-isa lang sa mga AM o PM duty ko. Fine. Ang saya sa Hema. Marahil nung una ay ayaw ko kasi nakakangawit. Pramis, magkakaroon ka ng Orthostatic Proteinuria. Okay syempre joke lang iyon. Pero nung last AM duty ko aba bongga ang mga staff, hindi ka pagfifeedin sa mga sosyal na machines. Okay fine, matoxic kayo. Alam niyo, sila pa nga nantotoxic sa amin e. Kung makapagbreak ba naman parang wala ng bukas! It pertains to one staff lang naman. Siya ang break master. May OP STAT o kaya kapag siya ang gumagawa sa wards o ER, walang gagawa nun kasi wala siya. Parang bula na nawawala kagad. Pero kapag uwian, aba kagad-kagad lumalabas. WTF db?! Matuto naman kayo mag-overtime kahit ilang minuto lang please? Ang tatamad niyo e. Sana kung maayos ang trabaho mo e. Sana kung andun ka talaga kapag may gawa at umaalis kapag wala. Gets mo ba iyon? Hindi. So going back, ang saya pa lalo kasi kung kailan gusto ko ng matapos practicals ko tsaka hindi dumating iyong mga specimen. Biruin mo ang morning pick-up ay 2 tapos may isang ER na dumating. So sa umaga, nakatatlo lang ako! Hindi ko na ginawang practicals kasi hassle. Iyong 2 dun dengue patients pa iyon. Thank you God at pinagaling mo sila. No toxicity for us. :] Pero grabe iyong isa, wala na ngang WBC, super konti pa ng platelets. Nyay! Scary nun, sana maging maayos naman siya.

Medyo paranoid din ako although hindi ko pa naman nararamdaman. Since nagkadengue kasi nito lang si diko, natakot ako sa mga kagat ng lamok. Hahaha. Katulad kanina, as in sobrang daming kagat ng lamok iyong braso ko. Wah! Pero wala naman e. Praning lang.

Dapat nagpagupit ako ngayon. Hmmm. Pwede pa naman after this blog post. Ay paplug-in lang. Nagsisipag ako maglaba, AHEM! Magsisipag ako magplantsa, AHEM lalo! Katamad kasi magpalaba kasi pupunta ka dun ngayon para ipalaba, tapos kuhanin bukas tapos paano kung umaattitude pa sila na hindi pa nalalabhan. Biruin mo dati 3 days ko atang hindi nakuha iyong damit ko sa sobrang inis ko sa kanila sa napakaganda nilang serbisyo. Tapos nagsasabi pa sila na hindi na ako nagpapalaba. Eh ganun talaga, mas masaya kapag may mag-uuwi ng dami t sa probinsya tapos dun labhan. At least alam mong mas malinis iyon compare sa mga pinaghalong mga damit. Pinaghalong mga katas ng bawat tae ay este tao pala.

Ay last kwento ko na ito. May bading kaming kaduty or kagrupo. Conceited pala. Aba nakikipagpaligsahan sa amin ata sa patangkaran. Maliit kasi siya naturally, hindi mapapagtyagaang mukha, sipsip, mayabang, snooty?. sinungaling, masama, naninira, tamad, maarte, selosa kasi nagseselos siya dun sa kaintern kong niloloko sa isang sir staff[hahaha. sa pangarap mo lang siya makikita at makakasama, hindi kayo talo.] Ayun tama na iyon para sa papuri sa kanya. Since maliit siya at feeling mayaman, nakabuilt-in heels siya na shoes. Iyong magdadagdag ng 2-3 inches sa height mo plus 1 inch marahil sa takong. So biruin mo 4 inches?! So kung 5'6'' ka at nakaganung sapatos ka, 5'10'' ka na. Great difference no? Ayun dumaan siya tapos napansin ni ma'am OIC kanina at sinabi, "Parang tumangkad ka?" Tapos si ma'am friend ni OIC sabi, "Eh nakaheels yan eh!" Tae natawa ako ng mahina. Pati staff kasi alam. Thank you ma'am friend ni OIC! :) No name dropping kasi dito sa post na ito.

Anyway, gtg na. Aral muna ata ako or ligo muna kasi hindi ko pa nagagawa iyon since last night.

No comments:

Post a Comment