Friday, August 12, 2011

! minute is your only salvation

Best EPIC moment in my life ito. Kanina nagising ako before 6 am tapos gumayak at umalis ng mga around 7.10am. At alam mo ba, sobrang bagal ng LRT! Tipong nasa Central pa lang ako at 7.40am na. Wow, wtf un! 20 mins para makarating sa Edsa station. Nung nasa Vito Cruz na ako, nag-give up na ako kasi sadyang hindi na talaga kaya makaabot e. Tapos dahil I'm preparing myself for the 2nd late naging calm na ako at bigla kong napansin na Edsa na ako at meron pa akong 4 mins left. THERE IS HOPE! So bumaba ako dun sa labasan ng konti ang tao at fast-phase walking ang ginawa ko sa hagdan, pinara ang unang tricycle at sinabi, "Kuya sa San Juan de Dios po, pakibilisan." Ito namang si kuya kung makapagdrive parang wala akong sinabing pakibilisan. So hinanda ko na iyong 30 pesos. Aba si kuya umaattitude, muntik na akong dalin sa ER at sa school. So kinabahan ako lalo tapos nung malapit na ako sa gate namin. Andun si Shanna, inaabangan ako. Btw, si Shanna nga pala ang aking savior, ang aking partner-in-crime. Basta siya iyong kasama at tumutulong sa akin sa mga problema. Hahahaha. At nung una pala dun, tinext ko si Tenten at Shanna na ilagay nila ang DTR ko sa unahan para kapag pasok ko diretso na. Hahaha. Syet natatawa ako ngayon sa epic moment na iyon. Ayun hindi pa fully stop iyong tricycle kanina pero bumaba na ako tapos kumaripas ng takbo sa loob. Tapos nanginginig-nginig pa mga kamay ko nung kinuha ko iyong DTR ko. Hahaha. Pramis! Epic moment. Eh tapos iyong bundee clock pa less than a minute na lang ata before mag 8.01 am. Nilagay ko ang DTR ko at ayun 8.00am!!!! Woohooo! Tae para kaming nagpeperya kanina dun sa saya. Ewan fun kasi iyong mga ganitong pangyayari kung saan nakuha mo iyong parang imposible nang makuha. Pinagtawanan pa nga kami ni kuyang dumaan e. Funny naman kasi talaga. Ayun lang. Tapos BEST AM DUTY in HEMA kasi pagkapasok ko while having shaking hands, nakita ko si Sir Kevin at Ma'am Joy. Wow lalo! Bihira ko lang kasi silang maging staff at higit sa lahat, sa AM duty pa. Ang saya ng buhay ko parang ang daming free time. Ang luwang. Pwede mong gawin lahat. Hahaha. Basta ang smooth lang ng flow ng trabaho. Ayun. We played cards sa histopath nung mga 3pm na. Kumain ng isaw, fishball, uminom ng gulaman at umuwi. Kakahatid ko lang pala kay mami sa terminal at syet ang bigat ng dala. :| Macho man na nga ako e. At last na, may bading na nanglalandi sa isang staff ko. :))) Oh well, get a life bitch! huwag ka kasing manira, sige ka magiging negative na lalo friends mo kung meron man.

No comments:

Post a Comment