Tuesday, August 2, 2011

I love

Tuesday classes, not just Tuesday classes but Tuesday classes with heavy rain. Alam kong mahirap hilingin ito kasi habang nagpapakasaya kami dahil walang pasok, iyong iba naman ay nahihirapan kasi sinasalanta sila ng bagyo, right? Pero kahit ganun pa man ay mabuhay dahil walang pasok! Wala na ngang ulan e. Iyan ang pinakagusto ko sa mahal kong Pamantasan. Unibersidad ng Santo Tomas, mabuhay ka! Ay sorry nawala ako ng saglit, tinapos ko lang iyong isang episode ng The Melancholy of Haruhi Suzumiya. Sorry naman na minsan lang ako makapanuod ng anime sa computer. :) Puro Animax at Nickelodeon lang kasi pinapanuod ko sa TV e. Plus NatGeo, Star World... Ayun. Inantok kasi ako kagabi kaya ayun natulog na lang ako. Nakapaghighlight naman na ako kagabi para mas madali mag-aral sana kaninang umaga. Narinig kong mag-alarm ng 5:30 iyong fone ko at syempre tinulugan ko, nagising ako ng 6.02am at mas maaga sa susunod na alarm. Dahil dun, gumising na ako at nagbasa sa harap ng computer with my mp3 player as the background music. Nang biglang tumawag si mami gamit ang landline fone at sinabing walang pasok UST. Syempre hindi ako surprised kasi UST is UST when it comes to baha kapag umuulan. Pero para sigurado, confirmation muna. Nagbukas ng TV sa teleradyo, binuksan ang fone na may UST sim[fail, no text. inactivated na ata.], tinignan ang FB at nakitang nagpugay ang mga kapwa kong interns kasi walang pasok. Woohooo! Ang masasabi ko lang, sarap maging tamad! Pero kung nagkapasok, swear iyak ako sa quiz namin. O sige na, nuod na ulit ako. :)

*Lord, gusto mo ba akong patabain kaya sagana ang pagkain dito sa mga nakalipas na araw? Ohnoes

No comments:

Post a Comment