Ang tagal ko na palang hindi nakakapagblog. Malapit na matapos ang Agosto at ito pa rin ako, i love sa'yo. Ay grabe tuwing nagbblog talaga ako Bleu, nakakaisip ako ng mga cheesy lines. Kahapon umuwi kami sa Baliuag at dun na lang ulit ako nakakain na walang pakielam kahit na tumaba ako. KAIN TALAGA! Ang saya lang kaso sayang kasi lumuwas din ako nung araw na iyon para matapos lang ngayon ang Bacteriology practicals ko. Epal, hindi ba? Hindi naman kasi kami mga highschool students para gumawa ng mga artworks e. Kailangan may design pa?! Screw them! Pero buti na lang at tinago ko pa ang mga kalat ko nung highschool to now kasi kung hindi sobrang laki ng gastos ko. Wah! Mabuti nga at gumana pa ang pagkaartistic side ko, which is btw nabubulok na. I don't know how to do things anymore. Basta makagupit, tapos makadikit, makagawa ng something na may colored na papel ayos na! At ayun maayos naman ang kinalabasan. At ito pa, wala ka! Dapat bibili ako ng ring for binding at ng folder for compilation ngunit sa kasamaan palad ay tinamad ako kaya nagpakaresourceful ako at naghanap ng lumang folder plus iyong parang kini-clip sa mga wires, iyong nalolock? Kaya YES to resourcefulness. Hihihi.
Napanuod ko na rin pala sa wakas ang The Disappearance of Haruhi Suzumiya and as usual naiyak ako. :.[ Most of the time kasi I don't cry in front of people but I like to cry. It's fun. Stress-releasing. Basta ganun. Siguro inabot ako ng tatlong paghinto ng movie kasi over na ako limit ng panunuod, yes hindi kami premium e. Anime never fails to amaze me.
Balita ko, hindi sasama si Kat sa ADHOC so no reason for me to go there. Hahaha. Pero kasi sa aming group ako lang wala. Hindi ako party person, fyi. Ang boring kasi, nakatayo ka tapos ayun makikipagsocialize. Kung binigyan nga lang sana ako ni God ng bad-boy skills edi masaya na ako at parating pumupunta sa mga ganitong events kaso hindi e. Nung nagsabog si God ng good-boy characteristics, sinapo ko lahat! Amp.
Ito pa ang isa sa mga pinakamagandang balita. Pangalawang beses na ako napapagkamalang, third party. I have two very closed female friends and one has an ex and the other one has suitor. Iyong una, nagagalit sa akin si ex kasi sobrang closed kami ni friend 1. Nagseselos. Pinagseselosan ako?! Ano ba meron sa akin? Hindi naman ako nanliligaw at nito lang niya nalaman na hindi pala ako nanliligaw. Hahaha. Hello friend! Iyong isa, nagkaaway sila dahil sa isang bagay na involved ako. No story telling, bawal e. Ayun tinanong kung nanliligaw daw ba ako kay friend 2? Hayyy. Mukha ba akong ahas? Hindi naman, right?
MILK! I love milk! Hello Bleu!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment