Maliban sa katotohanang ginawa namin iyon, intoxicated na ako sa amoy ng moth balls. Kasi pangontra sa ipis 'daw' iyon. Marahil ay mga 3 balot iyong binuksan para dun and nakakahilo. Kahit pagpasok mo sa kwarto para matulog, maamoy mo e. Nakakatamad pumasok tapos hindi pa ako kakain. CRASH DIET COMMENCES! Kagabi kumain kami sa Chic Boy Gil Puyat. Grabe ang dami naming nakain. Kumusta naman ang unlimited rice. Kaya ako ay magddiet ngayon para pumayat man lang tiyan ko. kahit iyon lang. Tapos sumakay kami ni Leo sa bus na dadaan sa babaan niya at MCU. Isipin mo 50 pesos na pamasahe! Wtf! Iyak bulsa ko dun pero iyong comfort na nakaupo ka lang ng maayos, malamig ay priceless. Pero inabot ako ng 1 hr and 20 mins sa byahe kasi ampota nag-abang pa iyong bus. Pero no traffic e. Ayun okay lang din, bangag nga ako sa byahe eh. Pagkagising ko nasa SM North na kami. Wow lalong mabilis na lang ang byahe. Sana bumagyo bukas para masaya, no quizzes again. Para hindi na rin kami magreporting sa Seminar. Hihihi. One more suspension ng classes please! Para sure-ball kaming wala dun sa presentation. Sige na po. Kahit isa lang. Kahit maabsent lang si Ma'am sa isang Tuesday hanggang next month. Uh-oh. I almost forgot na kelangan artehan ang paggawa ng bacte pracs. No pracs = No shifting exam. Kumusta naman, hindi ba? Ito ang worst na nagyari sa akin kagabi/kanina, nainsomnia na naman ako. Bumalik ulit siya. Siguro mga 2 na ako nakatulog. Maaga pa siya sa totoo lang pero dapat 12 tulog na ako e. Nanuod pa kasi ako ng Masterchef Australia. Hindi naman ako mahilig magluto pero ang sarap panuorin ng mga niluluto nila. Hihihihi. Tapos nung announcement na nung nanalo, hindi ko rin alam kung bakit but I tend to be emotional. As in napapaluha ako. WAH! Hay. Maybe I'm getting more human and human. :]
Ito pala ang the best part. Nakapagsimba ako kahapon. Thank you God at binigyan mo ako ng time para makapagsimba. Something to be proud of kasi ilang linggo na ako hindi nakakapunta ng misa. :|
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment