Art of cramming. Wala naman talagang magccram kung ginagawa lang ng maaga ang mga trabaho, hindi ba? Para sa iba mas gumagana ang kanilang mga kakayahan kapag may pressure pero maaari rin namang lalo nitong mapapanget ang sariling performans. Depende lang talaga sa tao. Hahaha. Syet puyat na ako. Pagod na. Kakatapos ko nga lang maligo kasi super lagkit na lagkit ako dulot ng aking byahe. Hinintay ko kasi si Ten na makauwi. Mga 9.30 kami naalis ng SJ. 9.40 dumating sa LRT. Napag-alaman naming sarado na pala ito ng 9.30. Ahw. No means of the fastest transportation. Ang tanging solusyon ay mag-jip, hindi taxi kasi mahal iyon! Nagtaxi kami tungo ng Vito Cruz para hatid ko si Ten. Tapos sumakay ako dun ng MCU jip para makauwi. Ang mahal 16 pesos estudyante na iyon ah! Eh ang bagal pa ni kuya kasi nag-aabang ng pasahero kahit na puno na jip nia. Wtf! Gusto nga niya kumita pero parang sobra na e. Oh well, ganun talaga. Naglalagkit, nanlilimahid na nga ako sa byahe e. Naisip ko kanina isang spongha ng dumi ang aking mukha kasi nilanghap at sinagap ko ang lahat ng dumi ng EDSA hanggang MCU. Kaya pagdating ko ng bahay kanina, ayun hugas ng mukha una kong ginawa. Sorry vain pero sino ba naman kasing hindi mandidiri. At parang hindi na masyadong nagiging culture media ang aking mukha unlike nung mga nakalipas na taon. Hay pagod na ako. As in! Nagpost lang talaga ako ngayon e and ayun sana hindi ako low blood bukas. Kasi db parang sabi nila kapag naligo ka ng madaling-araw bababa ang pressure ng dugo mo? Dunno.
Sige, tama na ito. tulugan na! Wag po sanang magising ng 6/7/8 am. Please?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment