medyo matagal ko na atang alam na walang epekto sa akin ang mga kape, energy drink o kung ano pa mang pangpahyper yan. hindi siya maganda, kasi ngayon hindi ko na kaya mag-aral habang nasa kama na dati ay nagagawa ko. basta inaantok na ako everytime nagbabasa ako sa kama plus the fact na aircon ang room. *zzZz*
ngayon ko na lang ata ginawa ang mag-aral sa table. pinipilit ko kaso hindi talaga kaya ng utak ko. hindi ko kayang magmemorize. wala man lang ako kausap o kachat. ang loner ko naman. marahil ay mahimbing na ang tulog ng aking mga kaklase samantalang ako, ito nagpapakapuyat without knowing kung papasa ba ako o hindi. pero kailangan ko talagang mag-aral ngayon eh, 3 exams namin. yes. bacteriology lec, parasitology lec at lab.
so ayun, labas lang ulit ng ka-emohan. pero sa totoo lang, maghahanap sana ako ng handouts sa para eh. :) cge goodnight sa'yo!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment