bukas wala kaming biostat, so ibig sabihin ay 4 hours break kami. at napakaraming oras nun. sobrang dami. may panghihinayang pa rin akong nararamdaman kasi sayang naman tuition fee na ibinayad ng aking pinakamamahal na ina. although ang good part lang nito ay may 4 hours kami para magliwaliw, tumambay, mag-usap, kumain, pwede rin matulog o kaya ay manuod.
tingin ko mas napapalapit na ako lalo sa pag-aaral. demshet! i'm becoming a nerd. basta parang every weekend, wala na akong ginagawa kung hindi ang maghighlight ng mga libro. ewan ko kasi basta ayoko bumagsak. gusto ko kasi mag-intern on time. and syempre pinakagusto ko ang grumaduate on time para maging proud naman sa akin si ina. malapit na rin iyon. 2 years na lang!
ay naalala ko lang. nakakatakot ang maging isang medtech. dapat hindi ka careless dapat lagi ka sa focus dapat nasa utak ka parati at hindi lamang ito lumilipad. kung bakit nalala ko? kasi ganito yun, habang mtlb namin ay may pumasok na mama[lalaki to] tapos kinausap si sir, may pinapapirmahan. edi kinuwento sa amin ni sir na sa isang pagkakamali, isang segundong lumipad ang utak mo sa kawalan ay nawala ang lahat ng iyong mga pangarap. may isa kasing intern natusok siya ng ginamit niyang syringe sa pasyente. that's the scariest thing that will eve happen to you no! baka may blood borne pathogens iyong pasyente. o kaya may HIV, HBV o kung ano pa man. ayun sana walang mangyari ganito sa amin. nakakatakot talaga!
at bully pa rin sa akin iyong prof namin sa clin chem, haha. at kakilala na ako ng prof namin sa hema na kapatid ako ng classmate ni ma'am nung highschool.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment