at dahil bangag na ako dahil 11 mahigit na, sabaw post ulit. mas mahirap pa gumawa ng chapter outline kaysa mag-aral. i swear. inubos lahat ng oras ko kaya ngayon, inaantok na ako. hehehe.
sana may pwede rin akong sabihan ng i'll be there for you kasi medyo nakakainggit lang ang mga taong mayroon. bakit ba naman kasi nagkukulang ako sa hormone para magkagusto sa mga babae eh. iyong tipong, kung magkagusto man ako tipong sobrang naiinspire ako pero kung walang mangyari, wala na. it will slowly fade away. katulad na lang nung friend ko sa ceu. tsktsk. hindi ko alam basta ang alam ko hindi normal ang ganito. hindi normal ang hindi magkagusto sa isang tao. kahit konti talaga, as in wala. parang sana binuhay na lang akong malandi, babaero or pwedeng hindi torpe. nyay!
masaya naman maging single eh. single since birth. so ako ay isang no girlfriend since birth. medyo nakakalungkot siya pero marami rin naman goodside ang pagiging single. 1) sa'yo lahat ng oras mo. 2) pwede mo gawin lahat ng gusto mo, hindi mo na kailangan magpaalam kung ano gagawin mo pwera na lang kung strict magulang mo. 3) hindi mauubos pera mo sa pangdate.
kaso ang pangit nga lang 1) lonely ng buhay mo kasi wala ka man lang ka-iloveyouhan. haha. yuck cheesy!
so ayun, sa post ko ngayon. aminado naman akong naiinggit ako pero hindi naman gaano. hindi lang talaga ako nasstruck na magkagusto. pwedeng magandahan o makyutan pero hindi pa pagkagusto iyon eh. i just want to be normal.
i just want somebody say to me or me saying it to her. "i'll be there for you."
goodnight! tulugan na.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment