mukhang gusto ko ang ganitong study lifestyle para sa buhay ko. matulog pagkadating sa eskwela at gumising ng madaling araw. parang ang fresh mag-isip ng utak mo kaysa naman sa nag-aaral ka nga hanggang madaling araw pero bangag utak mo at hindi nakakapag-isip ng tama.
maraming salamat talaga kay diko at ginising niya ako ng alas dose ng gabi. kung hindi, mamatay na naman ako mamaya. medyo may pagkabangag pa ako hanggang ngayon pero i'm sure efficiently working na utak ko.
kung patuloy kong gagawin ang pagtulog-gising ko ng ganitong oras, maaaring maging ganito na ang aking body clock.
nainspire lang kasi talaga ako sa pagbasa ulit ng mga posts ni blink. hindi ko alam pero natutuwa ako sa kanya kahit hindi kami magkakilala. ewan basta parang pareho kami ng pag-iisip pero ang katotohanan ay di hamak na mas matalino, at talented siya.
so magkwento ulit ako. about sa bacteriology lab practicals. madali siya, i swear. di hamak na mas madali siya kaysa sa parasitology lab practicals na super time pressured plus the fact na ang microscope mo ay walang pointer o lagpas iyong pointer iyong dapat tinuturo. plus the fact na magulo mga tanong, pabago-bago kung common o scientific name ba dapat isulat. going back sa bacteriology, medyo masaya siya talaga. ang problema lang is hindi ako naglaan ng mas maraming oras para makapag-aral. nakakadisappoint lang talaga.
hindi na rin pala ako favorite student ni ma'am shallani. dahil ito sa isang picture edited ng isa kong kaklase, si clasm8 A. iyong pic kasi mukhang parang may namatayan. basta as in medyo ganun iyong itsura. eh si clasm8 B nagcomment ng 'condolenece'. edi bully na siya sa fb. nakatag si ma'am nito ah. ayun siya na ang bully parati. mababawasan na siguro ang load ng bullying ni ma'am sa akin.
nag-usap kami ng classmate ko sa ym.
ojay: nag-aaral ka kasi pressured ka sa mga kapatid mo, kasi bunso ka at kailangan mo silang mahigitan.
bass: hindi ako ganun. walang pressure sa akin dahil bunso ako. hindi ako pinepressure ng magulang ko. kaya ako nag-aaral kasi "gus2 ko lang maging matinong estudyante. maging normal na estudyante."
wala lang napaisip lang ako na ganun pala ako mag-isip kung bakit ako talaga nag-aaral. partly na gusto ko mamaintain iyong dl status ko. kasi ansarap lang ng feeling na nakikita mo iyong name mo sa board at dun ay nagkakaroon ka ng rush[haha] para pagbutihan at strive harder pa.
medyo dumadaldal na ako ngayon. bukas makakakita ka ulit ng mga hinanaing ko. cguro. cge aral na. natutuwa ako ngayon. fresh utak ko.
*note: habang nagsusulat ako ng blog entry, biglang tumunog ang aking cellphone alarm clock. sila ang 5 na natatangi at pinakaespesyal na alarm clock sa buhay ko. sila ang kasama ko nung una akong nag-ustet, sila kasama ko nung nasa high school pa ako at kailangan gumising ng 6:15am, sila kasama ko sa college life ko. napakaespesyal talaga nila. kahit na minsan ay hindi ko sila pinapansin at tutulugan at papatayin ko silang lahat para makatulog ako ng mahimbing. at pagkagising ay sila ang sisihin kung bakit hindi sila tumunog. ayun drama ko. pero mahal ko ang aking mga alarm clocks
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment