nainspire lang ako gumawa ng blog entry ngayon ulit. ngayon ako sinipag na gawin ang entry na ito. kasi nung practicals, si rj unang nagdrama [nasa labas kami ng lab 10 laboratory kung saan kita mo ang likod mga lugar sa likod ng main building kasi 4th floor].
rj: bas, nakikita mo iyong punong yan? nakita niya lahat ng pagtayo ng mga building sa ust. [admitted ko naman na tama siya kasi super taas niya talaga.]
bass: nakikita mo iyong microscope na ginagamit natin sa practicals? nakita na nila ang lahat ng mga paghihirap ng mga estudyante para lamang makapasa sa mga practicals.
rj: nakikita mo iyong arch of the centuries? lahat ng mga estudyanteng lumabas at pumasok, nakita na nila.
bass: nakita mo iyong bagong library? nakita na niya lahat ng pagbabagong ginawa sa kanya - ang mga lumang sections, pag-aaircon sa kanya at pagpapaayos.
haha. we talked nonsense no? missense. ganyan ata kami kasabaw nung mga panahong iyon. torture kasi sa part namin na kami iyong lower half. kami lagi pangalawa na nagppracticals. kami laging huli. maganda sana ito kung hindi ka pa masyadong nag-aaral kaso major major torture pa rin sa paghihintay. ayun lang.
ang tanda na nga pala talaga ng ust. kaya isa ito sa mga dahilang. Proud kong masasabi na isa akong DUGONG TOMASINO. naks, patronizing my own univeristy.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment