Saturday, August 21, 2010

sa isang busy na weekend, busy na week, at busy na susunod sa next week.

hindi pa masyado gumagana utak ko para mag-aral. napakarami pala naming gagawin for next week, as in marami.

-bacteriology lec quiz and lab practicals
-parasitology lec quiz and lab practicals
-clinical chemistry lab quiz
-mtlb floor plan. dito ko parang naiisip na gusto ko ng arki. nag-enjoy ako gumawa ng floor plan ng primary laboratory namin. pero hindi pa tapos, gagawa pa lang ako mamaya.
-
hematology lec quiz sa friday after idiscussed iyong topic sa wednesday at hematology lab quiz.
-professional deontology quiz.
-may report pa pala akong dapat gawin, ay article pala para sa purple gazette.

at dahil bongga sa dami ang aming gagawin, kailangan magtino ngayong week. at sa susunod na week kasi prelims na namin. 2 exams na lang after nun! weee!

nagiging isip bata na naman ako. tapos kahapon may late birthday surprise kami kay ma'am pineda. grabe sa pangttrip si ma'am. iyong tipong may talent o kaya ay may lakas talaga ng loob ang mga nagperform. gusto ko magperform pero wala akong kapal ng mukha para gawin ang mga bagay na ginawa nila. kasi ako ata ang "favorite" student niya sa section namin dahil sa mga nangyari nung 1st week of classes. hahaha. basta grabe mangtrip. isa iyon sa mga nakakahiyang pangyayari sa buhay ko. :))

nakapag-WBC count na pala kami tapos nakabili ako ng isang red thoma pipet kaso ginto eh, no choice kailangan kong bumili. :|

ayun start na! in 5.4.3.2.1.0. bye

No comments:

Post a Comment