okay medyo mahirap mag-update ng dalawang blog pero masyado na ata akong napamahal sa blog ko na 'to dahil gusto ko pa rin siyang buhayin.
ngayon araw ay isang magandang araw. kalimutan na mali pala ang nabigay na slide sa akin sa practicals sa micro lab. kalimutan na hindi naman napansin ni ma'am na mali ang nagamit ko pero nafocus at nasagutan ko naman iyong practicals. kalimutan na walang ginawa sa buong araw kung hindi discussion lang. kalimutan na rin na mukha akong militar sa buhok ko na bagay din anamn, so ayos lang din. instead, focus sa magagandang nangyari.
lahat naman ng nangyayari sa buhay ng tao ay maganda. depende lang siguro sa tao kung ano ang kanyang interpretasyon niya rito. maaaring pangit siya sa simula pero sa kalaaunan ay makikita mo ang kagandahan nito. binigay talaga ni God sa'yo yan kasi may dahilan. laging may dahilang ang Diyos sa mga nangyayari sa buhay mo.
so. kanina nagbonding ang pamilya ko sa mediartrix. iyong tingin ko ay malapit sa akin. iyong hindi intimidating ang dating sa akin. kasama ko si nay lei, dad alex, inah, kapatid jess at chino. basta sobrang namiss ko sila! ngayon ko na lang naman kasi sila nakabonding eh. tapos ang sweet ni dad alex kasi naalala niya ako. naalala niya iyong membership card ko kasi magkikita nga kami. ang sweet talaga! haha. tapos si dad ay parang si ivan. sa pag-uugali at sa paraan ng pananalita. wala lang. si nay lei, basta siya ang pinakanakakamiss na tao sa org. :)
kahit na pagod na ako at inaantok. gumawa pa rin ako ng blog entry especially for them. i love them so much!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment